Ang Pinoy Big Brother: Gen 11 Big Winner na si Fyang Smith ay opisyal nang recording artist matapos ilabas ang kanyang debut EP na Forever Fyang. Tampok dito ang limang kanta kabilang ang "Mishu (Nasaan Si Fyang?)" at "Tayo Hanggang Dulo" na agad pumalo sa una at ikalawang puwesto sa iTunes Philippines songs chart.
Umani ng higit 100,000 views ang lyric videos ng dalawang kanta sa YouTube. Kasama ni Fyang dito ang kapwa niya PBB Gen 11 housemate na si JM Ibarra. Ang "Mishu" ay likha nina Trisha Denise at Dennis Campaner, habang ang "Tayo Hanggang Dulo" ay isinulat nina Jonathan Manalo at Perry Lansigan.
May kwento ng kilig at pag-ibig ang mini album na siguradong makakarelate ang maraming listeners. Kasama rin sa EP ang tatlong bagong kanta: "Clingy AF" ni Gabriel Tagadtad, "Kaya Mo Ba" nina Jeremy G at Jarea, at "Para Shoot" mula sa award-winning composer na si Jungee Marcelo.
Si Roque “Rox” Santos ng StarPop ang nagsilbing overall producer ng EP. Pinasaya rin ni Fyang ang mga fans sa album launch ng Forever Fyang noong Hunyo 22 sa New Frontier Theater kasama ang mga special guests na sina Kai Montinola, Kolette Madelo, Rain Celmar, JM Ibarra, at si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.
Mapapakinggan na ang Forever Fyang sa iba't ibang streaming platforms. Abangan din ang kanyang fan meet ngayong Linggo (Hunyo 22) para mas makilala pa si Fyang at ang kanyang musika.