
Ang 39-anyos na babae ay inaresto matapos umanong manaksak ng 12 tao sa main railway station sa Hamburg City, Germany.
Ayon sa ulat, ang mga biktima ay nagtamo ng mga sugat matapos silang pagsasaksakin ng suspek habang nasa istasyon ng tren.
Kaagad na rumesponde ang mga otoridad at agad na inaresto ang babae. Wala pang malinaw na motibo sa pag-atake, at kasalukuyang iniimbestigahan pa ito.
Ang mga biktima naman ay dinala sa pagamutan at patuloy na ginagamot.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy kung ano ang nagtulak sa babae na gawin ang naturang karahasan.