
Inilunsad ng Ducati ang bagong Ducati Factory Made program, isang factory-backed na inisyatibo na nagbibigay-daan sa mga rider na i-personalize ang kanilang Multistrada V4 direkta mula sa planta. Katulad ng mga premium customization program sa industriya, layunin nitong ihatid ang motorsiklo ayon mismo sa eksaktong kagustuhan ng kliyente—walang kailangan na after-sales modification. Sa pamamagitan ng in-line assembly, masisiguro ang pare-parehong kalidad at pagsunod sa mahigpit na production standards ng brand.
Isa sa pinakamalaking highlight ng programa ay ang malawak na pagpipilian sa kulay at livery designs. Maaaring pumili mula sa Icone colors na kumakatawan sa tradisyon ng Ducati, ang makintab na Style series para sa elegante at modernong dating, at ang matte tones ng Sophistication collection para sa mas eksklusibong porma. Para sa mga nais ipakita ang racing DNA ng brand, available ang Performance Liveries at Ducati Corse Liveries na inspirasyon ng kanilang motorsport heritage. Pinalalalim din ng programa ang kolaborasyon ng Ducati sa Automobili Lamborghini, kabilang ang mga espesyal na kulay tulad ng Viola Pasifae, Arancio Xanto, Giallo Belenus, Blu Uranus, at Verde Scandal.
Sa aspetong teknikal, nag-aalok ang Ducati Factory Made ng iba’t ibang custom components tulad ng cast wheels na may iba’t ibang kulay, forged alloy o spoked wheels, at opsyon sa kulay ng rear frame at brake calipers. Maari ring pumili ang rider ng seat height para sa rider at pasahero, pati na rin ng suspension configurations, na nagbibigay ng halos handcrafted na antas ng personalization. Maaari ding pagsamahin ang mga opsyon mula sa Touring, Adventure, Sport, Tech, at Enduro packages, at ito ay available din para sa Multistrada V4 Pikes Peak at RS models. Ang presyo ay nagsisimula sa P 1,860,000 (S




