
The P150,000 reward ay iniaalok na ngayon para sa anumang impormasyong makakatulong sa paghahanap sa nawawalang bride-to-be na si Sherra De Juan, matapos mabigong makakuha ng malinaw na leads ang mga awtoridad.
Ayon kay Mark Arjay Reyes, fiancé ni Sherra, maraming kaibigan, kamag-anak, at estranghero ang nagpaabot ng tulong at suporta. Hiniling niya ang mas maraming shares at mata para mas mapabilis ang paghahanap.
Huling nakausap ni Reyes si Sherra noong December 10 bandang 1 p.m. Sinabi raw nito na pupunta siya sa Fairview Center Mall para bumili ng sapatos sa kasal. Naiwan sa bahay ang kanyang cellphone habang naka-charge.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulis, kabilang ang pag-review ng CCTV, pakikipag-ugnayan sa mga ahensya, at pagsuri sa posibilidad ng runaway o foul play. Wala pa ring solidong ebidensya sa ngayon.
Nilinaw ng pulis na si Reyes ay POI lamang, hindi suspek. Sinusuri na rin ang cellphone at laptop ni Sherra para sa forensic results na inaasahang ilalabas sa mga susunod na araw.
