
Ang Ducati Hypermotard V2 ay opisyal nang inilunsad sa EICMA 2025. Mas magaan, mas matalim ang itsura, at mas malakas kaysa dati.
May dalawang version ang Hypermotard V2—standard at SP. Pareho silang may 890cc V-twin engine na naglalabas ng 120.4hp at 94Nm torque. Malawak ang powerband, kaya malakas kahit sa mabagal o mabilis na takbo ng makina.
Ang disenyo ay may signature supermotard silhouette ng Ducati, may modernong headlights at exposed trellis frame. Ang SP version ay may espesyal na livery, habang ang standard ay nasa classic na Ducati Red.

May ride modes, Ducati Quick Shifter 2.0, at 4-level ABS. Kasama rin ang Ducati Traction Control, Wheelie Control, Power Launch, at Engine Brake Control para sa mas ligtas at mas exciting na ride.
Ngayon, tanong ng marami: Kailan kaya ito darating sa Pilipinas?




