
The unang pelikula ng Mobile Suit Gundam: Hathaway ay gagawing episodic TV version bago ilabas ang second film ngayong January 2026. Layunin nitong punan ang mahabang pagitan ng dalawang movies at ihanda ang fans para sa paparating na sequel.
Ipe-premiere ang episodic release sa January 6, 2026 sa TV Tokyo at iba pang partner channels. Ang susunod na pelikula na pinamagatang The Sorcery of Nymph Circe ay nakatakdang ipalabas sa January 30, 2026.
Pinamumunuan ni Shūkō Murase ang direksyon at si Hiroyuki Sawano naman ang nasa music. Mananatiling mataas ang kalidad ng production, tulad ng inaasahan sa Gundam franchise.
Muling ibabalik ng episodic cut ang kwento mula sa unang film, tampok ang laban at personal na struggle ni Hathaway Noa, kasama na ang koneksyon niya kay Gigi Andalucia at ang tungkulin niya sa grupo ng MAFTY laban sa Earth Federation.
Nananatiling buo ang original cast and staff, kaya’t magsisilbing refresher ang release na ito at tulay papunta sa susunod na chapter ng ambitious space opera trilogy.




