
Ang car blast sa mataong lugar sa Red Fort sa Delhi, India, ay itinuturing na “Terror Incident” ng pamahalaan. Tinatayang 8 katao ang namatay habang 20 naman ang sugatan sa insidente.
Ayon sa Delhi Police, naganap ang pagsabog noong Lunes ng gabi nang huminto ang isang mabagal na sasakyan sa tabi ng iba pang sasakyan bago ito sumabog, na nagdulot ng pinsala sa mga kalapit na sasakyan. Wala pang hawak na suspek, ngunit ayon kay Prime Minister Narendra Modi, gawa ito umano ng anti-national forces na layong takutin ang publiko.
Kinokondena ng pamahalaan ang karumal-dumal at duwag na aksyon ng mga terorista. Nakataas na rin ang high alert sa lugar at sa kalapit na estado, kabilang ang Uttar Pradesh, para agad na tugunan ang seguridad. Nagpahayag si PM Modi ng pakikiramay sa mga pamilyang naulila at tiniyak ang agarang pagpapanagot sa mga suspek.




