
The football superstar na si Cristiano Ronaldo, 40 anyos, ay kumpirmadong magreretiro matapos ang 2026 FIFA World Cup. Sinabi niya na maglalaro pa siya ng “isa o dalawang taon” bago tuluyang magpaalam sa football.
Si Ronaldo, na kasalukuyang naglalaro bilang kapitan ng Al-Nassr, ay may 953 career goals para sa club at bansa. Target niyang maabot ang 1,000 goals bago tuluyang magretiro. Sa 25 taon niyang karera, naglaro na siya para sa Manchester United at Real Madrid, at nagtataglay ng 143 goals para sa Portugal national team — pinakamataas sa kasaysayan ng men’s international football.
Kinumpirma ni Ronaldo ang balita sa isang panayam sa Tourism Summit sa Riyadh kung saan inamin niyang ang darating na World Cup sa 2026 ang magiging huling laban niya.
The 2026 FIFA World Cup ay magiging pinakamalaking torneo sa kasaysayan, na may 48 koponan. Nakatakdang magsimula ang torneo sa Hunyo 11, 2026, at gaganapin sa Estados Unidos, Mexico, at Canada.
Habang papalapit ang kanyang pagreretiro, nananatiling inspirasyon si Ronaldo sa mga tagahanga sa buong mundo dahil sa kanyang dedikasyon, disiplina, at patuloy na paghahangad ng tagumpay sa larangan ng football.




