
Ang mga tagahanga ng demon-hunting K-pop girl group na Huntr/x ay kailangang maghintay hanggang 2029 para sa kanilang susunod na animated musical adventure, KPop Demon Hunters 2.
Ayon sa ulat, kinumpirma ng Netflix at Sony ang paglabas ng sequel sa taong iyon. Matagal ang production dahil sa komplikadong proseso ng paggawa ng animated films, kaya maaaring magbago pa ang petsa ng release.
Ang unang pelikula na lumabas noong August 2025 ay naging napakalaking hit sa Netflix, at naging pinakapopular na pelikula sa platform. Kumita ito ng tinatayang ₱8.4 bilyon, at ang mga kanta nitong “Golden,” “Your Idol,” at “Soda Pop” ay sumikat din sa mga music chart.
Sinabi ni Maggie Kang, co-director ng pelikula, na masaya siyang ituloy ang kwento dahil maraming hindi natapos na parte sa unang movie. Inaasahan ng fans na mas marami pang aksiyon, musika, at bagong karakter sa 2029 sequel.
Para sa mga tagahanga ng K-pop at animation, ang pagbabalik ng Huntr/x ay siguradong worth the wait.