
The rapper na si Nicki Minaj ay nagulat sa lahat matapos ianunsyo na kinansela niya ang paparating na sixth studio album. Sa X (dating Twitter), nag-post siya ng matapang na mensahe: “Ok hindi ko na ilalabas ang album. Wala nang music.” Bago matapos ang post, tinag pa niya si Jay-Z at nagsabing, “Hope you’re happy now. Bye, Barbz. Love you for life.”
Matatandaan na ilang linggo pa lang ang nakalipas nang kumpirmahin ni Minaj ang March 2026 release date para sa album na kasunod ng kanyang matagumpay na Pink Friday 2. Pero ngayon, tuluyang binasag ang plano matapos lumala ang matagal nang alitan niya sa mga taong konektado kay Roc Nation. Isyu raw dito ang hindi umano tamang equity payout mula sa pagbenta ng TIDAL, na sa halagang higit ₱13 bilyon.
Naglabas din siya ng sunod-sunod na fiery posts, kung saan inakusahan niya ang ilang tao sa industriya na sinisira at kinokontrol ang kanyang career. Pinagtawanan pa niya ang nabigong bid ni Jay-Z para sa isang casino license sa New York.
Kahit malinaw ang pahayag ni Minaj na ayaw na niya ng music, hindi kumbinsido ang kanyang mga fans na tinatawag na Barbz. Para sa kanila, ito ay dramatic power play lamang at hindi pa tuluyang pamamaalam sa industriya.
Para sa ngayon, naghihintay ang lahat kung totoo ngang tuloy-tuloy na ang desisyon o isa lang itong strategy para ipakita ang kanyang paninindigan.