The Traktor MX2 ay bagong 2-channel DJ controller na may sleek na all-black design. Kasama na agad dito ang Traktor Pro 4 software kaya ready-to-use na ito out-of-the-box.
May 24-bit/96kHz audio system ang MX2 na may built-in high-fidelity audio interface para malinaw at malakas ang tunog kahit sa house party o maliit na club setup. May kasama rin itong iZotope Ozone Maximizer para laging consistent at malinis ang tunog.
Para sa creativity, may nine Mixer FX tulad ng filters at reverbs, at higit 40 Deck FX para sa mas malalim na sound shaping. May 16 RGB performance pads din na may apat na mode: Hotcues, Flux Loops, Pattern Player, at Stems Mode na pwedeng gamitin sa remixing at live performance.
Bukod pa dito, may key lock at pitch control na nagbibigay-daan sa DJs na baguhin ang key ng kanta o baguhin ang tempo nang hindi naaapektuhan ang pitch. May touch-sensitive jog wheels din para sa scratching, nudging, at scrolling.
Presyo ng Traktor MX2 ay nasa ₱26,000 (approx.) at available na sa mga authorized stores. Kasama na rin dito ang 2-buwan Beatport Streaming trial para sa access sa milyon-milyong kanta online.