
Ang dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ay nagsabi na haharapin niya “head-on” ang mga ‘di totoong’ alegasyon ng pagtanggap ng P150 milyon kickback mula sa dating opisyal ng DPWH.
Ayon kay Roberto Bernardo, dating undersecretary ng DPWH, personal siyang nakipagkita kay Revilla noong 2024 kung saan umano ay hiningi ng senador ang isang “commitment” para sa kanyang pagtakbo sa Senado noong 2025. Sinabi ni Bernardo na dinala niya ang P150 milyon sa bahay ni Revilla sa Cavite.
Sa inilabas na pahayag, mariing itinanggi ni Revilla ang akusasyon at tinawag itong “absolutely untrue.” Dagdag pa niya, handa siyang makipagtulungan sa anumang opisyal na imbestigasyon o proseso ng batas para mailabas ang katotohanan.
Binanggit din sa Senate Blue Ribbon hearing na nadawit sa alegasyon sina Francis Escudero, Zaldy Co, at Nancy Binay. Mabilis na itinanggi ni Co ang paratang, habang sinabi ni Escudero na ito ay bahagi ng isang “planadong paninira.” Samantala, iginiit ni Binay na ang kanyang serbisyo publiko ay laging malinis.