
The dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nahaharap sa 3 kaso ng pagpatay matapos magsampa ng reklamo ang mga taga-usig ng International Criminal Court (ICC). Ang kaso ay sumasaklaw sa mga patayan sa Davao City at sa buong bansa mula 2013 hanggang 2018.
Unang Kaso: Patayan ng Davao Death Squad (DDS). Naitala ang 19 biktima sa siyam na insidente mula 2013 hanggang 2016. Karamihan sa mga napatay ay pusher at magnanakaw umano.
Ikalawang Kaso: Pagpatay sa “high-value targets” noong 2016 hanggang 2017. Sakop nito ang 14 biktima mula sa limang insidente. Ayon sa reklamo, may gantimpala na umaabot mula ₱50,000 hanggang ₱1,000,000 kada target.
Ikatlong Kaso: Mga patayan sa barangay anti-drug operations mula 2016 hanggang 2018. Nakapaloob dito ang 43 patay at ilang tangkang pagpatay sa 45 insidente. Biktima ay mga maliliit na gumagamit at nagtutulak ng droga.
Sa ngayon, ipinagpaliban ng ICC ang paglilitis matapos sabihin ng abogado ni Duterte na lumalala ang kalusugan ng dating pangulo at hindi siya handang humarap sa korte. Ayon sa datos ng gobyerno, nasa 6,000 ang namatay sa kampanya kontra droga, ngunit ayon sa human rights groups maaaring umabot sa 30,000 ang totoong bilang.