
The pangunahing suspect sa pagkawala ng batang Briton na si Madeleine McCann noong 2007 ay pinalaya mula sa bilangguan sa Germany nitong Setyembre 17 matapos magsilbi ng pitong taong sentensiya dahil sa kasong rape ng isang 72-anyos na babae sa Algarve, Portugal.
Si Christian Brueckner, 49, ay dati nang nahatulan sa child abuse, drug trafficking, at rape. Bagama’t itinuturing siyang pangunahing suspect, itinanggi ng kanyang abogado ang anumang kaugnayan sa kaso ni Madeleine. Pinalabas siya ng kulungan sakay ng isang kotse at binantayan ng pulisya.
Ipinataw ng korte na kailangan niyang magsuot ng electronic tag sa loob ng limang taon, mag-report buwan-buwan sa parole officer, at iulat agad kung may pagbabago sa kanyang tirahan. Kapag siya’y lumabag, maaari siyang pagmultahin o makulong ng hanggang tatlong taon.
Si Madeleine, na tatlong taong gulang noon, ay nawala sa kanyang kuwarto habang kumakain ang kanyang mga magulang malapit sa kanilang holiday resort. Hanggang ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa Britain, Germany, at Portugal para hanapin ang matibay na ebidensya laban kay Brueckner.
Patuloy pa ring umaasa at nananawagan ang mga magulang ni Madeleine, na ngayo’y 22 taong gulang na sana, na matagpuan ang kanilang anak. “Mahal na mahal namin siya at labis naming siyang nami-miss,” ayon sa kanilang mensahe.