Ang isang lasing na lalaki ay nanaksak at nakapatay ng dalawang tao sa loob ng computer shop sa Santo Tomas, Davao del Norte. Isa sa mga biktima ay batang nasa 10 hanggang 13 taong gulang, habang ang isa pa ay 22 taong gulang.
Ayon sa imbestigasyon, nagwala ang 25-anyos na suspek matapos maagawan ng upuan sa loob ng shop sa Brgy. Tibal-og noong madaling araw ng Lunes. Una niyang pinalo ng fire extinguisher ang mga biktima at sinundan pa ito ng saksak gamit ang screw driver.
Sabi ng pulisya, lasing umano ang suspek nang mangyari ang insidente. Sa kuha ng video, makikitang hinuli siya ng mga awtoridad habang walang suot na damit.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong murder matapos ang krimen.