
The sikat na OPM band na Cup of Joe ay magbabalik sa Araneta Coliseum para sa isa na namang malaking concert na pinamagatang Stardust ngayong Oktubre 10 at 11, 2025. Ito na ang kanilang ikalawang dalawang-araw na concert sa Big Dome ngayong taon, matapos ang matagumpay na opening concert ng SILAKBO Tour noong Pebrero.
Katatapos lang ng kanilang SILAKBO Concert Tour, at ngayon ay abala na ang banda sa paghahanda para sa kanilang ikatlong major solo concert. Tila ito raw ang kanilang pinakamalaking show sa ngayon. Ang unang two-day concert nila ay itinuring na isa sa mga best concerts of the year ng Billboard Philippines.
Ang kanta nilang "Multo" ay No. 1 sa Billboard Philippines Hot 100 sa loob ng labindalawang linggo at patuloy pa ring namamayagpag sa charts. Patunay ito ng kanilang lakas sa OPM scene at paglawak ng fanbase sa bansa.
Magsisimula ang bentahan ng tickets sa July 15 sa Ticketnet.com.ph. May kasama nang LED bracelets ang lahat ng ticket. Presyo ng tickets ay:
Php 7,000 para sa SVIP (may hi-bye at soundcheck)
Php 5,700 Patron (may hi-bye at soundcheck)
Php 3,700 Lower Box
Php 2,700 Upper Box
Php 1,500 Gen Ad
Kung isa ka sa mga tagahanga ng Cup of Joe, siguraduhing makakuha agad ng ticket. Huwag palampasin ang concert na ito dahil siguradong punong-puno ng emosyon at musika ang gabing ito!