
Ang Xbox ROG Ally at Ally X ay maaaring maging ilan sa mga pinakamahal na handheld consoles ngayon. Ayon sa isang kilalang retail insider, ang presyo ng Xbox ROG Ally ay tinatayang nasa €599 o humigit-kumulang ₱44,000, habang ang mas advanced na ROG Ally X ay aabot sa €899 o halos ₱58,000.
Ayon sa ulat, posibleng magsimula ang pre-order sa buwan ng Agosto at mailabas ito sa Oktubre. Wala pang kumpirmasyon mula sa Microsoft o Asus tungkol sa mga presyo o petsa ng release.
Mas mataas ang mga rumored price na ito kumpara sa mga naunang labas ng ROG Ally consoles. Ang unang ROG Ally na inilabas noong 2023 ay nagkakahalaga lamang ng $599 hanggang $699, habang ang ROG Ally X noong 2024 ay nasa $800.
Bagamat hindi pa ito opisyal, inaasahang magiging malaking usapan ito sa gaming community. Maraming gamer ang nag-aabang sa posibleng features ng bagong Xbox ROG Ally handheld console.
Abangan ang mga opisyal na detalye sa mga susunod na buwan.