
Ang City Health Office ng San Jose del Monte sa Bulacan ay nagtala ng dalawang kumpirmadong kaso ng mpox. Ayon sa mga opisyal, Clade II strain ang nakuha ng mga pasyente—isang uri ng mpox na hindi ganoon kalala.
Parehong nakarekober na ang mga pasyente at wala silang kaugnayan sa isa’t isa. Ayon sa mga health officials, ang mga malalapit na kontak ng dalawang pasyente ay walang sintomas at natapos na ang isolation bilang pag-iingat.
Nag-utos si Gov. Daniel Fernando sa mga alkalde at barangay officials na maghanda ng pansamantalang treatment at monitoring areas. Inatasan din ang mga ito na suriin ang kalinisan sa mga establisyimento at magsagawa ng mpox awareness campaigns.
Pinaalalahanan din ni Fernando ang mga ospital na maging handa sa mga posibleng mpox cases at sinabihan ang mga lokal na health offices na agad mag-ulat ng mga pinaghihinalaang kaso.
Nilinaw ng provincial government na walang ipapatupad na lockdowns kahit may kumpirmadong kaso ng mpox sa probinsya.
Göztepe su kaçağı tespiti Başakşehir’de su kaçağı tespiti yaptırdım. Gerçekten çok memnun kaldım. Profesyonel bir hizmet. https://www.aaccoaching.uk/read-blog/10705