The Department of Trade and Industry (DTI) ay nagsagawa ng pagsira sa mga substandard na lead-acid battery na aabot sa halagang P110.7 milyon. Ginanap ito sa Barangay Punturin, Valenzuela City nitong Hunyo 13, 2025. Layunin ng aksyon na ito ang pagtanggal sa mga delikado at hindi dekalidad na produkto sa merkado.
Sa tulong ng National Bureau of Investigation (NBI), nasamsam ng DTI ang humigit-kumulang 21,403 piraso ng pekeng lead-acid battery noong Setyembre 2024. Ang mga ito ay dinala sa pasilidad ng Trame Oil & Environmental Specialist, Inc. sa Pearl Island Industrial Compound kung saan isinagawa ang pagsira.
Nagbigay paalala rin ang DTI sa mga negosyante. Simula ngayong buwan, mas magiging mahigpit ang pagpapatupad ng Republic Act 7394 o Consumer Act. Maaaring humantong sa multang malaki, pagkansela ng lisensiya, at pagsasara ng negosyo ang hindi pagsunod sa batas.
Ang hakbang na ito ay malinaw na babala sa mga nagbebenta ng mga hindi pumapasa sa quality standards. Patuloy ang DTI sa kanilang kampanya laban sa mapanganib na produkto upang mapanatili ang kaligtasan ng mamimili.