
Umangat sa 2.0% ang inflation sa Pilipinas noong Enero 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), na ikalawang buwan nang tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin. Noong Disyembre 2025, naitala ang 1.8% inflation, mas mataas kaysa sa nakaraang buwan.
Ayon sa PSA, pinakamalaking ambag sa pagtaas ng inflation ay ang housing, tubig, kuryente, gas, at iba pang fuel na umakyat sa 3.3% mula 2.5% noong Disyembre 2025. Tumaas din ang presyo sa restaurants at accommodation services, na umabot sa 4.0% mula 2.4%.
Ang ilan pang produkto at serbisyo na mabilis tumaas ang presyo ay:
Damit at sapatos: 2.3% mula 2.2%
Furnishings at kagamitan sa bahay: 2.3% mula 1.9%
Kalusugan: 3.0% mula 2.7%
Information at communication: 0.8% mula 0.7%
Rekreasyon, sports, at kultura: 2.2% mula 2.0%
Personal care at miscellaneous services: 2.6% mula 2.2%
Samantala, bumagal naman ang inflation para sa ilang sektor: pagkain at non-alcoholic beverages (1.1% mula 1.4%), alcoholic beverages at tabako (3.1% mula 3.3%), at education services (2.8% mula 3.0%). Sinabi rin ng PSA na ang core inflation, o ang inflation rate na hindi kasama ang mabilis magbago na presyo, ay nasa 2.8%.
Pagdating sa pagkain, bumaba sa 0.7% ang food inflation noong Enero 2026 mula 1.2% noong nakaraang buwan. Ito ay dahil sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng gulay, tubers, saging, at pulses (3.3% mula 11.6%). Ngunit may ilang pagkain na tumaas pa rin, tulad ng flour, bread, pasta, gatas at itlog, prutas, at ready-made food, na nagpakita ng bahagyang mas mataas na inflation.