
Arestado ang apat na lalaki matapos silang magnegosyo ng ilegal sa isang abandonadong hotel sa Barangay Balintawak, Lipa City nitong Linggo ng umaga.
Base sa ulat ng Lipa City Police Station, habang nagro-roaming patrol ang isang security guard, napansin niya na ang isang bintana ay pinalagyan ng plywood. Hindi nagtagal, nakita niya ang grupo ng mga lalaki na may backpack sa loob ng hotel.
Agad tumawag ang guard sa barangay tanod at pulisya, kaya naman nauwi sa pag-aresto ng mga suspek. Lahat ng nahuli ay mga residente ng San Pedro City, Laguna.
Nalaman ng awtoridad na ang mga suspek ay nagnakaw ng electrical wires mula sa hotel, na pag-aari ng isang bangko. Nakarekober din ang pulisya ng baril, bala, at ilang plastic sachets na pinaghihinalaang shabu.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nahaharap sa kasong robbery, pati na rin sa paglabag sa Republic Act 10591 at Republic Act 9165. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.


