Ang MMDA ay naglunsad ng mga bagong UPGRADE sa NCAP PORTAL na MAY HULI KA para mas maging mabilis at madali ang serbisyo sa mga motorista.
Sa bagong portal, puwede nang makita ang LARAWAN AT VIDEO ng paglabag gamit lang ang PLATE NUMBER at MV FILE NUMBER. Puwede na ring mag-register ng MARAMIHANG SASAKYAN sa iisang account, bagay na makakatulong sa TNVS, LOGISTICS, at FLEET OWNERS.
Mayroon na ring E-CONTEST FEATURE kung saan puwedeng i-dispute online ang huli. Mag-upload lang ng mga DOKUMENTO at makakatanggap ng EMAIL UPDATE mula sa TAD ng MMDA.
Ayon kay MMDA CHAIRMAN DON ARTES, layunin ng mga pagbabagong ito na gawing mas MADALI AT ACCESSIBLE ang pag-check ng records ng mga motorista, kahit ANYTIME, ANYWHERE.
Dagdag pa rito, tatanggap na ng bayad via GCASH, na may PHP 7 FEE lang. May paparating ding AI SPEED CAMERAS para sa OVERSPEEDING. Sa ngayon, may 186 AI CAMERAS, 348 CCTV, at 100 BODY CAMS ang MMDA.







