
The panukala ni Sen. Raffy Tulfo ay naglalayong bigyan ng mas mataas na proteksyon at benepisyo ang mga BPO workers. Sa ilalim ng Senate Bill 1493 o BPO Workers’ Welfare and Protection Act, layunin nitong palakasin ang job security, maagang access sa medical benefits, at itakda ang entry-level wage ayon sa family living wage.
Ayon kay Tulfo, mahalaga ang panukalang ito para sa kabataan at iba pang naghahanap ng trabaho sa BPO sector, dahil hindi lang nito pinapalakas ang umiiral na labor standards, kundi nagbibigay rin ng dagdag na proteksyon para sa mga panganib sa trabaho.
Kasama sa panukala ang automatic suspension ng BPO operations tuwing may bagyo, lindol, apoy, o iba pang kalamidad. Pinapayagan rin ang voluntary reporting sa trabaho sa oras ng matinding ulan o masamang panahon, at may hazard pay para sa mga pipiliing magtrabaho.
Sa usapin ng job security, nakasaad na ang BPO workers ay magiging regular employees pagkatapos ng anim na buwan na probation, o kaagad pagkatapos ng training kung mas maikli sa anim na buwan ang kanilang pagsasanay.
Idinagdag din ni Tulfo na ang minimum sweldo sa entry-level ay hindi bababa sa P36,000, kasabay ng agarang medical benefits sa pag-hire. Pinapalakas din ng panukala ang karapatan ng mga empleyado na magsama-sama, makibahagi sa collective bargaining, at magdesisyon sa mga patakaran sa trabaho na nakakaapekto sa kanilang karapatan.