
Ang El Poco Cantina sa Taft, isang kilalang birria taco spot, ay kasamang napili sa unang batch ng Michelin Selected restaurants sa Pilipinas. Isa itong malaking karangalan para sa kanilang team at sa mga loyal customers na patuloy na sumusuporta.
Matapos ang anunsyo, dumagsa ang mga tao na gustong matikman ang kanilang masarap ngunit abot-kayang pagkain. Dahil sa sobrang dami ng customers, napilitan silang mag-"kitchen break" noong Nobyembre 4 para makapagpahinga at mag-adjust sa bagong demand.
Sa isang post, nagpasalamat ang El Poco sa lahat ng patuloy na dumadayo at bumibili. Ibinahagi rin nila na umabot na sa limit ang kanilang production at staff, kaya kailangan nilang magpahinga para makapagpatuloy sa paghahain ng de-kalidad na pagkain.
Nitong Nobyembre 5, inanunsyo ng El Poco Cantina na magbabawas muna sila ng oras ng operasyon sa Taft at U-Belt branches. Ayon sa kanila, ito ay para makapagpahinga at makabawi ang team mula sa pagod at pressure ng biglaang pagdami ng customers.
El Poco Cantina ay nananatiling dedikado sa pagbibigay ng masarap, abot-kayang pagkain at sa paglikha ng mas maraming trabaho para sa kanilang komunidad.


