
The NBI-Cavite North ay nahuli ang isang Hapones at dalawang Pinoy dahil sa online na banta at pangingikil. Nagsimula ito matapos magsampa ng reklamo ang dalawang Hapones na sinabihan umanong papatayin at kikilan ng pera ng kanilang kababayan kasama ang dalawang Pilipino.
Base sa reklamo, ang Hapones na suspek ay nagpa-renovate ng isang coffee shop na nagkakahalaga ng ₱4.7 milyon. Nakasingil ang contractor ng ₱3.3 milyon, pero hindi na nabayaran ang natitirang halaga. Pinilit pa raw ng suspek na umutang ang contractor para ipagpatuloy ang proyekto, kapalit ng pangakong babayaran mula sa pagbebenta ng ari-arian sa Japan—na hindi natupad.
Noong Setyembre 20, 2025, nagkita ang mga suspek at biktima. Ayon sa salaysay, tinakot umano sila ng Hapones at dalawang dating pulis na Pinoy. Sinabi pa raw ng mga ito na may koneksyon sila at kaya nilang “patayin” o ipa-aresto ang biktima kung hindi magbabayad ng sinasabing multa.
Isinagawa ang isang entrapment operation kung saan nahuli ang tatlong suspek matapos tanggapin ang markadong pera.