The politiko at negosyanteng si Chavit Singson ay mariing itinanggi ang mga kumakalat na tsismis na iniuugnay siya sa Kapuso actress na si Jillian Ward. Ayon sa kanya, wala itong katotohanan at puro “Marites lang yun.”
Sa isang panayam, sinabi ni Chavit na matagal na niyang naririnig ang mga isyung ipinupukol sa kanya. Idinagdag pa niya na marami nang personalidad ang nalilink sa kanya ngunit lahat ay walang basehan. “Marites lang. Naririnig ko nga yun. Pero puro Marites yan,” sabi niya.
Nang tanungin naman tungkol sa isyu na kinasasangkutan niya at ni Yen Santos, mas pinili niyang iwasan ang sagot at nagbiro na, “Pwede niyo akong tanungin ng kahit ano, basta huwag tungkol sa babae—takot ako diyan.”
Matatandaang matagal na ring pinabulaanan ni Chavit at Yen ang balitang may anak sila. Nilinaw ni Yen na ang batang tinutukoy ay kapatid niya at inaanak ni Chavit. “Parang higit isang dekada na ang tsismis na yan. Pero totoo, magkaibigan lang talaga kami,” paliwanag ni Yen sa isang vlog.
Sa huli, sinabi ni Chavit na hindi na siya apektado ng mga isyu. Aniya, sanay na siya at puro gawa-gawang kwento lang ang mga kumakalat na balita. “Okay lang, puro Marites lang yan,” giit niya.