The Puregold ay pumasok na rin sa mundo ng Roblox sa pamamagitan ng paglulunsad ng kanilang sariling laro na tinatawag na Puregold World. Ito ay isang makulay na virtual city kung saan puwedeng maglaro, mag-socialize, at manalo ng iba’t ibang premyo ang mga manlalaro.
Ayon kay Puregold president Vincent Co, nais ng kumpanya na abutin ang mga kabataang Pinoy sa espasyong online kung saan sila madalas naglalaro. “Sa Puregold World, ginagawang masaya at nakaka-engganyo ang grocery experience,” aniya.
Mula nang inilunsad noong Hunyo 2023, nakapagtala na ang laro ng mahigit 1,000 active monthly users na may average na 8 minutong session time, tumaas ng 17.65% kumpara noong nakaraang taon. Nakakuha rin ito ng 97% player rating at mahigit 73,000 visits sa Roblox platform.
Sa laro, puwedeng mag-customize ng karakter, makipaglaro ng branded mini-games, at sumali sa kompetisyon. Layunin nitong magbigay ng kakaibang paraan para mag-connect ang mga brands at mga bagong henerasyon ng customers.
Upang mas maging exciting, naglagay din ang Puregold ng Roblox hubs sa piling branches kung saan puwedeng subukan ng mga bata, magulang, at pamilya ang Puregold World at manalo ng premyo sa piso value.