
Ang WPP Media Philippines ay nagdaos ng isang forum kung saan nagtipon ang mga industry leaders upang pag-usapan kung paano binabago ng mabilis na teknolohiya ang komunikasyon, ugali ng consumers, at brand strategies. May tema itong “Now and Next: Media, Partnerships and Co-Creation in the Limitless Future of Media.”
Dumalo ang mga top advertisers at agencies mula sa iba’t ibang lugar. Ayon sa mga speaker, nagbabago na ang audience behavior at paraan ng mga brand sa pakikipag-connect sa consumers dahil sa pag-usad ng teknolohiya. Sinabi ni WPP Philippines CEO Crisela Cervantes na mahalagang maintindihan kung paano naaapektuhan ng mga pagbabagong ito ang Filipino consumers.
Sa roundtable discussion, binigyang-diin ang kahalagahan ng mas malalim na pag-intindi sa data upang makasabay sa mabilis na galaw ng media. Ayon kay WPP Media Client President Reena Francisco, mahigit kalahati ng mga Pilipino ang gumagamit na ng AI sa araw-araw. Binago na umano ng AI ang paraan ng paggawa ng products, solutions, at decision-making ng consumers.
Ipinaliwanag niya na ang AI ay tumutulong sa pagkuhan ng impormasyon, paggawa ng rekomendasyon, at paghubog ng final decisions ng buyers. Dahil dito, mas madali nang makagawa ng purchase decisions ang mga Pinoy matapos makita ang impormasyon online.
Tinalakay rin sa forum ang papalaking epekto ng streaming platforms, podcasts, at short-form content sa pag-consume ng media. Ayon sa WPP, kailangan ng mga kumpanya na maging mas madiskarte, mas madaling mahanap, at mas mag-collaborate kasama ang content creators. Sinabi pa ni Cervantes na sa dami ng content noise, mahalagang matutunang mag-cut through upang makuha ang atensyon ng audience.




