
Ang POCO Pad X1 ay isang tablet na maganda para sa trabaho at laro, kahit na malinaw na rebranded lang ito ng Xiaomi Pad 7. Maganda ang performance, malakas ang battery, at may solid na accessories, pero nakakalito kung bakit kailangan pang maglabas ng parehong device.
Ang design ng POCO Pad X1 ay premium dahil sa aluminum unibody. Manipis itong 6.2mm, kaya madaling dalhin lalo na kung may keyboard. May stereo speakers din na ok para sa personal na panonood.
Ang display ay 11.2-inch 3.2K LCD na may 144Hz refresh rate. Kahit hindi OLED, malinaw, makulay, at may 800 nits na liwanag. Ang 3:2 aspect ratio ay mas bagay para sa work, reading, at browsing, pero may mas malalaking black bars kung nanonood ng movies.
May 13MP rear camera at 8MP selfie camera, pero sapat lang para sa basic na gamit tulad ng pagkuha ng resibo o dokumento. Hindi ito para sa seryosong photography.
Gamit ng tablet ang Snapdragon 7+ Gen 3, 8GB RAM, at 512GB storage. Maganda ang performance para sa multitasking at gaming.
Wi-Fi only ito, kaya walang SIM connectivity.
Naka-Android 16 na rin ito gamit ang HyperOS 2.0, at konti lang ang bloatware, na malaking plus.
May 8850mAh na battery at 45W fast charging. Kayang tumagal ng isang araw sa heavy use, at halos dalawang araw sa light to moderate use.
Ang POCO Pad X1 ay sulit at malakas na tablet, pero halos parehong-pareho ng Xiaomi Pad 7. Maganda ang specs at design, pero nakakapagtaka kung bakit nire-release ang parehong device.
Kung ok sa’yo ang online buying, available ito sa Lazada sa Php 24,999, pero naka-sale sa Php 19,999 hanggang Dec 9, kasama ang free keyboard.




