
Ang actor-entrepreneur na si David Licauco ay nagpakilala ng mga bagong pagkain ng Sóbra Café para sa darating na holiday season. Sa isang social media video, ipinakita niya ang 2025 Sóbra Season Specials na ngayon ay mapapanood sa Opus Mall, Quezon City.
Ibinahagi ni Licauco na ilang buwan nilang ginawa at pinag-aralan ang mga bagong putahe tulad ng Chicken Inasal, Steak, Short Ribs, at iba’t ibang Seafood. Paborito niya umano ang Chicken Inasal na gawa sa boneless thigh, na mas malasa at bagay sa chili.
Kabilang sa bagong menu ang Daing na Bangus na may egg at garlic fried rice gamit ang Japanese rice grains. Mayroon ding Grilled Chicken Harissa, isang grilled chicken dish na may bell pepper sauce na may cajun at teriyaki na lasa. Kasunod nito ay ang Steak Rice, na ayon kay Licauco ay isa sa mga ulam na hinanap niya sa café menu.
Nagpakilala rin sila ng Smoked Salmon Benedict, at bagong fish dish na Halibut na may kasamang mussels. Tampok din ang Wagyu Shortribs na niluto nang 48 hours sa miso glaze, kaya napakalambot. May bago rin silang Truffle Mushroom Chicken na roasted chicken na may truffle white sauce at mashed potato.
Ibinahagi ni Licauco na umaasa siyang mapasama ang Sóbra Café sa Michelin Guide sa susunod na taon. Aniya, patuloy nilang inaayos at pinapaganda ang café upang maabot ito.




