
Ang superstar na si Luka Doncic ay hindi natuwa sa espesyal na NBA Cup court ng Lakers, na tinawag niyang slippery at dangerous. Ayon sa kanya, maraming beses siyang nadulas at delikado ito para sa mga players.
Mas naging masaya si Doncic sa ipinakitang suporta ng Lakers, lalo na nang ipinagtanggol siya ni Jaxson Hayes sa huling parte ng laro matapos siyang itulak ni Kris Dunn. Sinabi pa niya na siya na ang magbabayad sa fine ni Hayes.
Nagpakitang gilas si Doncic sa laro na may 43 points, 13 assists, at 9 rebounds, habang nanalo ang Lakers laban sa Clippers, 135-118. Pero kahit maganda ang laro, sinabi ni Doncic na hindi siya komportable sa yellow NBA Cup court, na bago at madulas.
Nag-init ang sitwasyon nang ibagsak ni Dunn si Doncic, at sinundan pa ng pagdiin ng bola sa dibdib niya. Dito pumasok si Hayes at itinulak si Dunn pabalik. Na-eject si Dunn matapos makakuha ng dalawang technical fouls.
Sinabi ni Doncic na mahal niya ang ganitong klase ng teamwork at hindi siya matatakot sa kahit sino sa court. Masaya rin siya dahil pasok na sa NBA Cup quarterfinals ang Lakers, at natutuwa sa tournament dahil pamilyar ito sa mga cup competitions na nalaro niya sa Europe.




