
Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, dapat agarang aksyunan ang mga ganitong anomalyang lumalabas. Binigyang-diin niya na anumang isyu ng korapsyon ay hindi dapat palagpasin.
Si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang nagsabing malaking bahagi ng nakokolektang buwis mula sa LOA ay napupunta umano sa bulsa ng ilang empleyado ng ahensya. Ngunit sinabi ni Castro na wala siyang natanggap na impormasyon na ito ang dahilan ng pag-alis kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.
Pinalitan si Lumagui ni Charlito Mendoza, dating undersecretary ng Department of Finance. Hindi pa inilalabas ng Malacañang ang dahilan sa biglaang pagbabago ng liderato sa BIR.
Samantala, ikinatuwa ng Makati Business Club, Federation of Philippine Industries, at German-Philippine Chamber of Commerce and Industry ang desisyon nina Finance Secretary Frederick Go at Mendoza na ihinto muna ang mga LOA at mission orders. Para sa kanila, ito ay hakbang para sa transparency, accountability, at mas maayos na tax administration.




