
Ang Land Transportation Office (LTO) ay nagsagawa ng audit sa imbentaryo ng mga plaka upang makita ang tunay na sitwasyon ng produksyon at distribusyon sa buong bansa. Ayon kay LTO chief Markus Lacanilao, wala nang backlog sa plate production at kumpleto ang materyales.
Nilinaw ni Lacanilao na ang problema ay nasa delivery process. Maraming plaka ang naiwan sa mga regional offices at dealers kaya babantayan niya mismo ang distribusyon. Lahat ng pending plates ay nakaschedule na para sa delivery.
Dagdag niya, kailangang ayusin ang courier system para masigurong maipadala agad ang mga plaka. Target ng LTO na gawing standard ang door-to-door delivery para hindi mahirapan ang mga motorista sa pag-claim ng kanilang plaka.
May mga motorista ring nagrereklamo dahil may ilang indibidwal na naniningil ng bayad, tulad ng ₱500, kapalit ng pag-claim ng plaka. Naglabas ang LTO ng show-cause order laban dito dahil hindi ito awtorisado at may risk na mawala ang plaka.
Pinangako ng LTO na patuloy nilang babantayan at aayusin ang delivery ng plaka para masiguro na makakarating agad ito sa mga motorista, lalo na sa mga probinsya.