
Ang pahayag ni US President Donald Trump: “Tapos na ang digmaan sa Gaza.” Sinabi niya ito habang papunta sa Israel at Egypt para sa mahalagang peace trip.
Trump, 79, binanggit na ceasefire sa Gaza ay tumagal na ng tatlong araw at may kasamang kasunduan sa hostage-prisoner exchange. Ayon sa kanya, “Pagod na ang lahat. Sigurado akong kakayanin ng ceasefire.”
Sa Israel, nakatakda siyang makipagkita sa pamilya ng mga bihag ng Hamas bago magtalumpati sa Israeli parliament. Pagkatapos, pupunta siya sa Egypt para sa isang summit kasama ang higit 20 world leaders upang suportahan ang 20-point peace plan na inanunsyo noong Setyembre.
Kasama ni Trump ang ilang mataas na opisyal tulad nina Secretary of State Marco Rubio, Defense Secretary Pete Hegseth, CIA Chief John Ratcliffe, at General Dan Caine. Ayon kay Trump, may mga verbal guarantees na siya mula sa Israel, Hamas, at iba pang bansa. “Ayaw nilang biguin ako,” dagdag niya.
Ipinahayag din ni Trump ang kagustuhang makapunta mismo sa Gaza at magkaroon ng bagong gobyerno para dito. Plano rin niyang pangunahan ang governing body. “Gusto kong tumapak doon kahit sandali,” sabi niya.