Ang mga manggagawa at kasambahay sa Central Luzon ay makakatanggap ng dagdag sahod simula sa Oktubre 30, 2025, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ang umento ay nasa pagitan ng ₱50 hanggang ₱80 kada araw.
Unang tranche ng dagdag sahod ay ₱20 hanggang ₱40 na ibibigay sa mismong araw ng bisa ng wage order. Ikalawang tranche naman ay ₱30 hanggang ₱40 na ipapatupad sa Abril 16, 2026.
Maliban sa probinsya ng Aurora, tataas ang minimum wage sa Central Luzon sa ₱570 para sa non-agriculture, ₱540 sa agriculture, at ₱560 sa retail at service sectors. Pagsapit ng ikalawang tranche, tataas ito sa ₱600 (non-agriculture), ₱570 (agriculture), at ₱590 (retail/service).
Sa Aurora, tataas ang sahod sa ₱540 para sa non-agriculture, ₱515 sa agriculture, at ₱475 sa retail at service sectors matapos ang unang tranche.
Para naman sa mga kasambahay, madadagdagan ng ₱500 ang kanilang sahod kaya aabot na sa ₱6,500 kada buwan ang kanilang minimum wage.