
Ang Malacañang ay nagbigay linaw sa isyu tungkol sa pagbebenta ng P20 kada kilo bigas sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad. May ilang netizens ang nagtatanong kung bakit hindi na lang ipinamigay nang libre ang bigas sa mga biktima.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, malinaw ang mandato ng NFA — ito ay magbenta ng bigas, hindi mamigay. Bawal umano sa batas na ipamigay ng libre ang suplay ng NFA.
Dagdag pa niya, may iba pang ahensya ng gobyerno na nakaatas magbigay ng ayuda, tulad ng DSWD, DPWH, at DHSUD, na nagbibigay ng cash assistance at relief goods sa mga nasalanta.
Kaugnay nito, naglabas ang Office of the President ng ₱158.3 milyon cash aid para sa ilang LGU sa Davao Oriental matapos ang pinsala ng malalakas na lindol noong nakaraang linggo.
Sa kabila ng batikos, iginiit ng Malacañang na may kani-kanyang tungkulin ang bawat ahensya at sinusunod lamang ng NFA ang batas sa pagbebenta ng murang bigas.