Ang iPhone Air ay kakaibang smartphone na pwedeng magtakda ng bagong standard sa design. Napakanipis nito na may 5.6 mm lang ang kapal at sobrang gaan, 165 grams lang kahit may 6.5-inch screen. Mas magaan pa ito kumpara sa iPhone 17 at 16e.
Hindi lang sa nipis at gaan panalo ang iPhone Air, kundi pati sa disenyo. Matagal nang hindi nagbago ang hitsura ng iPhone mula pa sa iPhone 11, pero ngayon ay mas fresh at moderno ang itsura ng Air, lalo na sa kulay Cloud White at Light Gold.
Kahit manipis, hindi ito marupok. May aerospace-grade titanium frame at Ceramic Shield 2 na proteksyon. Sa isang test, kinailangan ng halos 97 kilo ng puwersa bago mabasag ang phone, at kahit noon gumagana pa rin ang screen.
Powerful din ito dahil gamit ang A19 Pro chip—katulad ng nasa Pro models. May 48MP Fusion camera na kayang mag-zoom at mag-adjust ng focal length, pati Center Stage front camera na awtomatikong nag-a-adjust sa orientation. Perfect ito para sa content creators dahil parehong front at back camera ay kayang mag-record ng 4K 60fps.
Ang baterya ay 3,561 mAh lang (tinatayang ₱65,000 ang presyo ng unit), mas maliit kaysa sa maraming Android phones. Pero dahil sa Apple optimization, kaya nitong umabot hanggang 27 oras ng video playback at mabilis mag-charge—50% in just 30 minutes.
Kung paano nagbago ang laptop design dahil sa MacBook Air, posibleng ganun din ang mangyari sa smartphone world sa paglabas ng iPhone Air.