Ang Pinoy racer na si Alfonsi Daquigan ay sobra pa ring saya matapos ang back-to-back wins niya sa Asia Talent Cup 2025 sa Mandalika, Indonesia. Para sa 16-anyos, ito ay triple celebration: una niyang panalo sa karera, siya ang unang Pinoy na nagwagi sa Asia Talent Cup, at nagdiwang din siya ng kanyang kaarawan.
Sa Race 1, si Daquigan ang nanguna pero nakatanggap siya ng double lap penalty. Hindi siya nagpadala at nanatiling kalmado hanggang nakabalik siya sa laban. Sa huling corner, nagbanggaan ang dalawang Japanese riders na title contenders kaya nakuha ni Daquigan ang historic win.
Pagpasok sa Race 2, aminado si Daquigan na mas pagod at antok siya. Pero nang mag-start ang ilaw, bumalik ang kanyang kumpiyansa. Kontrolado niya halos ang buong karera kahit nagkamali siya sa tatlong laps bago matapos. Bumagsak siya sa P3, pero agad niyang nabawi at muling nakuha ang checkered flag.
Dahil sa sunod-sunod na panalo, umangat si Daquigan sa P3 overall standings bago ang final round. Bata pa siya pero pinakita na ng Pinoy rider ang kanyang dedikasyon at tapang, kaya malaking inspirasyon siya sa motorsports community ng Pilipinas.