
Ang Korte Suprema ay nag-ulat na 36 korte sa Region XI ang nasira dahil sa lindol na may lakas na 7.4 sa Davao Oriental.
Ayon kay Atty. Camille Ting, tagapagsalita ng Korte Suprema, nakasaad sa datos ng Office of the Regional Court Management na lahat ng 138 korte sa mga probinsya ng Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, Davao Oriental, Sarangani, South Cotabato, at Surigao del Sur ay suspendido ang operasyon.
Pinayagan ang mga Presiding Judges sa mga apektadong lugar na magdesisyon kung kailan ititigil ang operasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado at mga gumagamit ng korte.