
Ang Mortal Kombat 3 ay kumpirmado nang ginagawa at si Jeremy Slater ang muling magsusulat ng script. Ang balitang ito ay inanunsyo sa New York Comic Con, kasama sina Karl Urban, Adeline Rudolph, Martyn Ford, Simon McQuoid, at Tati Gabrielle.
Ang desisyon ay bunga ng malaking tagumpay ng Mortal Kombat II trailer na nakakuha ng higit 107 milyong views sa loob ng 24 oras. Dahil dito, kumpiyansa ang studio na malakas pa rin ang demand ng mga fans para sa susunod na pelikula.
Sinabi ni Slater na sobrang saya ng studio sa kalalabasan ng sequel kaya agad siyang kinuha para magsulat ng ikatlong pelikula. Ayon sa kanya, mas magiging matindi ang laban at mas bibida si Johnny Cage kasama ang iba pang Earthrealm champions.
Inaasahan ding ipapakita sa Mortal Kombat II ang mas matinding banta mula kay Shao Kahn, na magiging sentro ng susunod na labanan. Bagamat wala pang detalye tungkol sa buong cast at eksaktong plot, malinaw na tuloy-tuloy ang pag-expand ng martial arts fantasy franchise na minahal ng fans.