
Ang IV OF SPADES ay muling magbabalik sa entablado para sa kanilang solo concert ngayong taon. Gaganapin ito sa Disyembre 12, 2025 sa SM Mall of Asia Arena.
Magbubukas ang bentahan ng tickets sa Oktubre 12, 12:00 n.n. (PHT) sa SM Tickets. Presyo ng tickets ay mula ₱1,000 (GA Regular) hanggang ₱6,500 (Lower Box Premium).
Ang concert ay kasabay ng paglabas ng kanilang comeback album na Andalucia, na ilalabas sa Nobyembre 5, 2025. Kasama rito ang 12 bagong kanta, kabilang ang singles na “Aura,” “Nanaman,” at “Konsensya.”
Itinatag noong 2014, kinabibilangan ang banda nina Zild Benitez, Unique Salonga, Blaster Silonga, at Badjao De Castro. Sumikat sila sa mga hit songs na “Mundo” at “Come Inside Of My Heart.”
Matapos ang kanilang mahabang pahinga noong 2020, muling nagbalik ang banda ngayong taon at patuloy na umaakyat sa mga music chart sa Pilipinas.