Ang dalawang sikat na laruan ay nagsama para gumawa ng espesyal na collectible. Sa pagdiriwang ng 90th anniversary ng MONOPOLY, inilabas ang Hot Wheels Pass ‘N Go 1:64 die-cast na hango sa klasikong Race Car token ng laro.
Idinisenyo ito para pwede mong gamitin sa Hot Wheels track o kaya ilagay mismo sa game board ng MONOPOLY. Para sa mga kolektor at bata, isang magandang dagdag ito sa kanilang set.
Ayon sa Hasbro, “Sa loob ng 90 taon, tumatakbo na ang mga fans sa board, kumukuha ng ₱11,000 ($200), at nangangarap makarating sa Boardwalk. Ngayon, makikita na sa mabilis na linya ang Race Car token.”
Pinagsasama ng Pass ‘N Go collectible ang bilis, strategy, at saya, bagay na siguradong tatangkilikin ng lahat ng henerasyon.
Available ang MONOPOLY x Hot Wheels Pass ‘N Go 1:64 simula Nobyembre 1 sa halagang ₱70 (₱1.25 USD).