
Ang isang batang lalaki sa Thailand ay naospital matapos atakihin ng leon na tumakas mula sa isang pribadong bahay sa Kanchanaburi. Ayon sa ulat, nangyari ito habang naglalakad ang bata pauwi noong Sabado ng gabi.
Ayon sa lokal na media, ang bata ay galing sa paglalaro kasama ng mga kaibigan nang bigla siyang salakayin ng leon. Sa Thailand, pinapayagan ang pag-aalaga ng leon, at may halos 500 rehistrado sa mga zoo, farm, at kahit mga bahay.
Ang may-ari ng leon na kinilalang si Parinya ay kinasuhan dahil sa paglabag sa batas pangkalikasan. Maaari siyang makulong ng hanggang 6 na buwan at pagmultahin ng ₱89,000 kung mapapatunayang nagkasala.
Kinumpiska ng mga awtoridad ang leon at inilipat sa isang wildlife breeding center. Humingi ng paumanhin ang may-ari at nangakong sasagutin ang gastos sa ospital ng bata bilang kompensasyon.
Nagpaalala ang wildlife department na ang mga wild animals ay may likas na panganib, at anumang insidente na makakaapekto sa buhay at ari-arian ng iba ay may kaakibat na parusa sa batas.