
Ang Piggatan Bridge sa Alcala, Cagayan bumagsak nitong Lunes ng hapon, Oktubre 6, 2025. Ilang ten-wheeler trucks ang naipit matapos gumuho ang tatlong dekadang gulang na tulay bandang 5:30 p.m.
Bumigay ang tulay habang dumadaan ang isang 18-wheeler truck na may kargang palay. Sa kabutihang-palad, walang naiulat na nasaktan at agad namang rumesponde ang mga otoridad.
Mahalaga ang Piggatan Bridge dahil ito ang nagdudugtong sa mga northern barangays ng Alcala papunta sa bayan at mga kalsadang patungo sa Tuguegarao City. Dahil sa pagbagsak, mapipilitan ang mga motorista na dumaan sa Gattaran, Baggao, o Peñablanca, na magdadagdag ng ilang oras sa biyahe.
Sinabi ng pulisya na iimbestigahan ang insidente dahil hindi pa malinaw kung may dati nang sira ang tulay o kung nasuri ito kamakailan ng DPWH.
Sa ngayon, sarado ang tulay at bawal daanan ng sasakyan habang inaalam pa ng mga otoridad ang lawak ng pinsala.