
Ang isang lalaki ay namatay matapos saksakin ng kapwa pasahero habang nakasakay sa jeep sa Barangay Patag, Cagayan de Oro City nitong Linggo ng hapon.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay galing sa Barangay Bayabas at sumakay ng jeep. Pagdating sa Barangay Patag, bigla siyang sinaksak ng isang pasahero na agad din tumakas. Nahulog ang biktima mula sa jeep at agad namatay sa lugar.
Nalaman ng mga awtoridad na ang suspek ay sumakay mula sa terminal sa Barangay Bulua at sinundan umano ang biktima. Natunton din ang bahay ng suspek sa Barangay Carmen.
Batay sa impormasyon, parehong galing sa Barangay Bayabas ang biktima at suspek. Pinaniniwalaan ng mga pulis na personal na alitan ang dahilan ng pananaksak.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong murder.