
Ang Russia ay naglunsad ng malawak na missile at drone attack sa Ukraine na tumagal ng 12 oras. Sa Kyiv, 4 ang namatay kabilang ang isang 12-anyos na batang babae, habang mahigit 40 ang sugatan sa iba’t ibang rehiyon gaya ng Zaporizhzhia, Odesa, Sumy, Cherkasy, at Mykolaiv.
Poland ay nag-scramble ng fighter jets upang bantayan ang kanilang himpapawid matapos ang pag-atake. Ilang bansa sa Europa ang nag-akusa na paulit-ulit na nilalabag ng Russia ang kanilang airspace gamit ang drones at fighter jets.
Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na patuloy ang layunin ng Moscow na pumatay at manira, kaya dapat mas matinding pressure ang ibigay ng mundo laban sa Russia. Dagdag niya, “Ang Kremlin ay kumikita mula sa energy sales habang nagpapatuloy ang giyera.”
Bukod sa mga bahay, nadamay din ang isang cardiology center at isang kindergarten. Ilang gusali ang halos tuluyang gumuho at patuloy ang pag-rescue ng mga awtoridad. Isa sa mga nakaligtas, si Mark Sergeev, ay nagsabing milagro na buhay ang kanyang mga anak matapos tamaan ng missile ang kanilang apartment.
Ayon sa ulat ng Ukraine, umabot sa 643 missiles at drones ang pinakawalan ng Russia sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Tinatayang nagkakahalaga ng ₱18.9 bilyon ang ginastos sa ganitong klase ng malawakang pag-atake.