
Ang Phivolcs ay nakapagtala ng halos 6,000 aftershocks sa Northern Cebu matapos ang 6.9 magnitude na lindol noong Setyembre 30, 2025. Umabot na sa 5,982 aftershocks, kung saan 1,219 ang na-plot at 25 ang naramdaman ng mga residente.
Pinakamalakas na aftershock nitong Linggo ay may 4.4 magnitude na may lalim na 10 kilometro sa Bogo City, Cebu. Naramdaman ito sa Daanbantayan (Intensity II) at sa Leyte (Intensity I) gaya ng Villaba, Abuyog, at Carigara.
Ayon kay Geologist Mahar Lagmay, normal ang maraming aftershocks matapos ang isang malakas na lindol dahil “nag-aadjust pa ang fault.” Dagdag niya, maaaring tumagal ito ng isang buwan o higit pa, pero unti-unti itong humihina.
Naitala ang 71 patay at 559 sugatan ayon sa NDRRMC. Apektado rin ang 455,631 indibidwal o 128,464 pamilya sa 15 lungsod at bayan. May 26,542 evacuees, kung saan 25,291 ang nasa labas ng evacuation centers at 1,251 ang nasa loob.
Kabuuang ₱713 milyon ang iniulat na sira sa mga imprastraktura at may 18,154 bahay ang napinsala.