Ang apat na sasakyan kabilang ang dalawang trak, isang SUV, at isang motorsiklo ay nagkarambola sa C5 Libis Flyover, Quezon City noong Sabado ng gabi, Oktubre 4. Ayon sa driver ng trak, iniwasan niya ang isang motorsiklong huminto sa daan matapos malaglag ang helmet.
Isa sa mga pahinante ng trak ang nasugatan nang mabasag ang windshield. Ayon sa driver ng SUV na naipit sa pagitan ng trak at concrete barrier, hindi kinaya ng trak sa likuran ang pagpreno kaya tumama ito sa kanyang sasakyan at sa motorsiklo.
Ayon sa MMDA, hindi nasaktan ang naka-motorsiklo. Pansamantalang nagdulot ng mabigat na trapiko ang insidente ngunit agad naayos matapos maalis ang mga sasakyan.