
Ang 6-foot-7 Filipino-American na si Kymani Ladi ay nagpakitang-gilas sa kanyang UAAP debut para sa Ateneo. Sa kanyang unang laro, umiskor siya ng 26 points, may 9 rebounds, 3 assists, at 1 block para sa panalo ng Blue Eagles kontra FEU.
Ibinahagi ni Ladi na nakuha niya ang kanyang Philippine passport noong nakaraang taon habang nasa residency, kaya may tanong kung pwede ba siyang maging local player para sa Gilas Pilipinas. Ayon sa FIBA rules, kailangan nakakuha ng passport bago mag-16 years old para ma-qualify bilang local.
Sa nakaraan, may mga players din tulad nina Greg Slaughter at Chris Newsome na pinayagan maging local kahit nakuha nila ang kanilang Philippine passport matapos ang itinakdang edad, dahil nagtagal sila ng higit isang dekada dito sa bansa at nakapaglaro sa UAAP at PBA. Posibleng ito rin ang daan ni Ladi kung gusto niyang maging local.
Bukod dito, kailangan din niya itong proseso kung nais niyang maging Asian quota player sa Korean at Japanese leagues matapos ang kanyang UAAP year. Pero kung tatawagin siya ng Gilas, handa daw si Ladi na sumabak.
Sinabi pa ni Ladi na gusto rin niyang makapasok sa PBA, kung saan pwede siyang maglaro at kumita ng milyon-milyong piso sa professional basketball career.