Ang photography brand Manual ay naglabas ng bagong digital camera na tinatawag na HOLO. Inspired ng Y2K style, ang camera ay transparent ang case at compact ang design, bagay para sa mga baguhang creatives at mahilig sa unique gadgets.
HOLO digicam ay may 50MP resolution para sa malinaw na photos at videos. Mayroon itong built-in flash, 16x digital zoom, at anti-shake technology para mas madali mag-capture ng quality content.
Ayon kay Malcolm Dia, founder at creative director ng brand, “Ginawa namin ang HOLO bilang tool for play—kung saan ang imperfection ay nagiging art. Ito ay para sa mga moments na tunay at totoo.”
Bukod dito, may 32GB built-in memory ang camera, rechargeable gamit ang USB-C, at may kasamang SD card reader para madali ang transfer sa phone o laptop.
Ang HOLO digicam ay available na ngayon sa halagang ₱5,500. Perfect ito para sa mga kabataan at creatives na gusto ng fun, stylish, at functional gadget para sa kanilang memories.